Napakadali lamang magsalita, napakadaling mangako, ngunit ang mahirap gawin ay kung paano mapaninindigan ang bawat pangakong binibitawan. Mahirap ang umasa, masakit ang maniwala at ma-disappoint sa mga salita at pangakong binitawan ng taong iyong pinagkatiwalaaan tapos hindi naman pala matutupad.
Kaya siguro nabuo ang salitang "Actions speak louder than words". Madali lang kasi mangako, pero mahirap ang mag-deliver.
Ngayong nalalapit na ang halalan, kanya-kanya nang pasaring at bitaw ng salita at mga pangako ang mga kakandidato upang makapag-engganyo ng mga botante. Ngunit ating tatandaan na malamang, karamihan sa mga pangakong ito ay malilimutan na pagkatapos ng eleksyon, kaya kung tayo ay boboto, doon tayo sa may nagawa, may napatunayan at may paninindigan.
Hindi pa kasi naluluklok sa pwesto ay mayroon nang kandidato; hindi daw sya tatakbo, hindi raw sya magiging replacement candidate, ngunit nakikita naman natin kung ano na ang nangyayari ngayon. Mga simpleng bagay ito, oo, pero hindi dahil maliit na bagay ito at wala naman masyadong naaapektuhan eh dapat na itong isawalang-bahala. Ang nais kong tumbukin dito ay napakadali lamang magbago ng isip ang kahit sino, kaya naman hindi tayo nakakasiguro na hindi magbabago ang ihip ng hangin matapos nyang maluklok sa pwesto. Ayaw natin ng isang lider na di marunong tumupad sa usapan at ganun ganun na lamang manira ng pangako.
Naniniwala akong actions speak louder than words. Kailangan natin ngayon ay mga patunay sa nagawa ng kandidato. Kailangan natin ay mga litrato, mga datos, at hindi ang mga sabi-sabi dahil napakadali lamang mag-fabricate ng mga kwento. Pinag-aralan ko ang mga tatakbo pagkapangulo ngayong eleksyon dahil nais ko ang the best para sa ating bayan; and therefore, I conclude, na si Mar Roxas ang presidente ko.
Ang gusto ko kay Mar Roxas ay ang kanyang sipag at tiyaga sa gawa; hindi siya puro pangako lamang at salita. May mga kamag-anak akong nasalanta noon ng bagyong Ondoy sa Leyte, at sinabi nilang sila'y saksi sa pagtulong ni Mar sa kanila kahit noong rurok ng paghagupit ng bagyo. Syempre naman, mas naniniwala ako sa kanila dahil first-hand nilang karanasan ito, hindi kagaya ng mga walang sawang gumagawa ng mga memes at black propaganda sa social media kahit wala naman silang alam at wala naman sila sa "scene of the crime".
Sa ilalim naman ng kasalukuyang administrasyon, consistent na nasa top three in terms of GDP growth sa Asya ang Pilipinas. Sa mga hindi naman nakakaalam, si Mar Roxas naman ang main proponent ng pagpasok ng mga BPO companies sa bansa, at alam naman nating lahat na marami ang nabigyan nito ng marangal na trabaho, kahit na ang mga hindi pinalad na makatungtong o makapagtapos ng kolehiyo. Maraming nagawa si dating DILG secretary Mar Roxas na hindi gaanong nabibigyang-pansin dahil mas pinipili ng iba na mag-focus sa kanyang mga "kakulangan", ngunit marami tayong dapat ipagpasalamat sa kanya, kagaya ng Cheaper Medicine's Act, kung saan pinababa ang presyo ng mga gamot para ma-afford ng mga mahihirap nating mga kababayan. Ang oplan lambat-sibat, kung saan mahigit Php 2 bilyon na halaga ng droga ang nakulimbat ng DILG noong kanyang kapanahunan, at 716 sa 946 na most wanted criminals ang na-arrest ng may due process, at marami pang iba. Patunay lamang ito na hindi mo kailangang bumitaw ng mga hindi kapani-paniwalang mga pangako upang maging isang mabuti at epektibong public servant, at hindi kailangang gumamit ng dahas at pumatay na lang basta-basta upang mabawasan ang krimen ng bansa.
Para sa akin, mas mabuti nang ipagpatuloy natin ang isang matuwid na daan. Hindi mabilis ang pagbabago, hindi mabilis makamit ang lahat ng ating nais, ngunit papunta na tayo doon. Madami nang na-achieve ang tuwid na daan, at ipagkakatiwala ko kay Mar Roxas ang pagpapatuloy nito. Mas gugustuhin ko naman ang isang lider na marunong sa gawa at hindi lang salita, kaysa naman sa mga mabubulaklak ang mga pangako pero kung pag-iisipan eh hindi naman feasible ang kanilang mga plataporma. Iboto natin ang may napatunayan na, iboto natin yung matagal nang iniaalay ang kanyang oras, talino, at buhay para sa ikabubuti ng ating bayan.
Thinking Millennial
Tuesday, April 26, 2016
Saturday, April 23, 2016
Ang Trapik!!
Napakalaking problema na talaga ng traffic ngayon sa Pilipinas, kaya nga sa bawat presidential at vice-presidential debates laging natatanong sa ating mga hopefuls kung ano ang kanilang mga gagawing hakbang upang malutas ang problemang ito kung sakaling sila ang maluklok sa puwesto. Ang hirap isipin kung ano ang solusyon sa malalang trapik sa lungsod, ngunit ito ang isa sa mga napagtanto ko: mas malala itong nangyayari sa lungsod. Bukod kasi sa sobrang dami ng tao, marami na ring mga diskwentong makukuha kapag bibili ka ng sasakyan, kaya parami sa ating mga kababayan ang naaakit ng bumili para hindi na makipagsiksikan pa sa jeep at LRT.
Para sa akin, kahit na hindi ka pulitiko o public servant, gumawa o mag-isip pa rin tayo ng paraan kung paano natin malulutos ang problemang ito. Siguro nga, masasabi nating maaari itong simbolo ng pag-unlad ng bansa. Ngunit habang ito’y nagpapakita ng improvement, pwede rin naman siguro natin itong maibsan, para naman ma-enjoy natin ang “best of both worlds”.
Magsimula tayo sa ating mga public transportation. Naniniwala akong kung mas maayos ang sistema ng ating mga trains (PNR, LRT1, LRT2, MRT3), mas gaganahan ang nakakarami na mag-commute na lamang kaysa makipagsiksikan pa sa ating mga kalsada. Nakita naman natin sa ibang mayayamang bansa gaya ng Singapore at Japan, walang problema sa mga tao ang pagsakay sa mga train dahil hindi naman pahirapan.
Pangalawa, dapat ay maging mas masugid ang ating mga MMDA sa pagsaway at pagpapaalis sa ating mga illegal vendors na malaki ang nasasakop sa kalsada. Ang kadalasan kasing nangyayari ay sakop na ng mga vendors ang sidewalk at ilang parte ng mga kalsada, kaya naman ang mga naglalakad ay halos sa gitna ng kalsada na dumadaan. Nakakasanhi tuloy ito ng mga aksidente, at mas nababawasan ang espasyong dadaanan sana ng mga sasakyan. Iwasan din at taasan ang multa sa mga may-ari ng mga sasakyang nakaparada sa kalsada.
Engganyuhin din natin ang mga malalaking kumpanya na may-ari ng mga mall, call centers at main offices na magtayo pa ng mas maraming branches sa labas ng Metro Manila. Maaari ring ilipat ang ilang government offices sa labas ng lungsod upang mabawasan ang mga lumuluwas pa pa-Maynila para pumasok sa trabaho.
Panghuli, it all boils down to discipline and willingness na makatulong sa paglutas ng problemang ito. Magsimula sa mga simpleng bagay: kung malapit lang naman ang pupuntahan, maglakad na lang o mag-bike, kung coding ang sasakyan, wag nang piliting gamitin dahil dadagdag ka lang sa iintindihin ng mga MMDA officers. Maraming paraan. Masosolusyunan ito kung magtutulong-tulong tayo. Simulan mo na kahit sa pinakamaliit na paraan.
Eleksyon 2016: Handa Ka Na Ba?
Kaybilis nga naaman ng panahon, ano? Mahigit dalawang linggo na lang pala at mismong araw ng eleksyon na. Ang tanong, handa ka na ba para sa once in every three years na okasyong ito? Hayaan mong tulungan kitang maging ready para san nalalapit na halalan before, during and after.
Before:
1. Mag-research. Alamin at pag-aralan ang mga plataporma ng mga kandidato bilang pagkapangulo. Magsaliksik at magbasa ng mga articles galing sa mga credible news sources (kagaya ng GMA News, CNN Philippines, Manila Bulletin, atbp)at hindi sa mga Facebook pages lamang. Kung gusto mo namang makabuo agad ng desisyon, manood ka ng mga Presidential at Vice Presidential debates sa TV. Mayroon ding quiz na ginawa ang pahayagang Manila Bulletin, ang http://findyourcandidate2016.com/, na pwede mo ring subukan upang malaman kung kaninong plataporma talaga ang iyong napupusuan.
2. Huwag kalimutan na hindi ka lamang maghahalal ng pangulo at pangalawang pangulo ngayong May 2016 elections. Magluluklok ka rin ng mga senador, gobernador, mayor, vice mayor, congressmen, mga konsehal at mga barangay officials. Bigyang panahon ang pag-aaral tungkol sa kanilang mga plano para sa bansa.
3, Kapag nakapamili ka na ng napupusuang kandidato sa pamamagitan ng matalino at objective decision-making, ilista ang mga ito sa isang pirasong papel o kaya nama'y i-save sa notes ng iyong cellphone. Sa ganitong paraan, wala kang makakalimutang kandidato sa araw ng eleksyon, at hindi ka na rin magtatagal sa loob ng iyong voting precinct.
During:
1. Pumunta ng maaga. Kung mas maaga kang pupunta, mas maaga ka ring matatapos dahil mas kaunti pa ang mga tao. Kailangan mo rin kasi ng extra time para hanapin ang iyong voting precinct.
2. Wag kalimutan ang mga importanteng bagay kagaya ng iyong voter's ID at listahan ng mga iboboto. Mas mabuti na rin na magdala ng iyong sariling ballpen, at huwag kalimutan na kumain muna bago bumoto. Hindi natin alam kung gaano tayo katagal mananatili doon at kung gaano kahaba ang pila na ating maabutan pagdating.
3. Asahan ang maraming tao, ngunit ano lang ba ang ilang oras na pagtitiis kung para naman ito sa kinabukasan natin at ng ating pamilya, hindi ba? Ang advice ko lang: Keep calm and vote. :) Mag-ipon din ng pasensya.\
4. Huwag aalis ng presinto habang hindi pa nababasa ang iyong balotaq. Protektahan ang iyong boto at siguraduhing hindi ito maisasawalang-bahala.
After:
1. Let's hope for a peaceful and clean elections. #DasalLangTalaga. Makibahagi rin at mag-promote ng isang maayos at malinis na halalan/
2. Hikayatin ang mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, at mga followers sa Facebook at Twitter na maging parte ng matinong halalan. Ayain silang bumoto, dahil sabi nga, every vote counts.
3. Kung may nakita kang mga kahina-hinalang gawain, mga kandidatong lumalabag sa patakaran ng halalan, o kaya nama'y mga lantarang pagbibili ng boto, isumbong agad ito sa mga kinauukulan. Maaari mo ring kuhanan ito ng videos, at maging YouScooper o Bayan Patroller.
Sana'y nakatulong ako sa iyong paghahanda sa nalalapit na eleksyon, at sana din talaga ay hikayatin natin ang lahat na bumoto para sa ikabubuti ng ating bansa. Pag-aralan ang bawat kandidato, pag-isipang mabuti kung feasible ba ang kanilang mga pangako sa kanilang ibinigay na time frame, at wag maging isang hamak na bandwagoner lamang. Tandaan na hindi lahat ng nakikita natin sa Internet at naririnig na mga sabi-sabi ay may katotohanan. Higit sa lahat, itatak natin sa ating mga isipan na ang lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili, kaya naman ay subukan nating maging mga mabubuti at responsableng Pilipinong botante, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na rin sa susunod na henerasyon.

Wednesday, April 20, 2016
Puso Para sa Bayan
Sa dinami-rami ng pinagdaanan ng ating bansa nitong nakaraang
mga panahon, sa mga bagyo at bahang ating sinugod, sa mga aksidenteng bumawi ng
buhay ng ilan, at marami pang mga pangyayaring bumago sa ating mga buhay,
marahil ang iba ay nawawalan na ng pag-asa. Pag-asang mas gumanda ang buhay,
pag-asang makaahon, o kaya nama’y pag-asang makabalik sa dati. Hindi ko kayo
masisisi, ngunit wag nating kakalimutan na maging positibo, at kumilos nang
iniintindi ang ating bansa at mga kababayan.
Dahil may kanya-kanya tayong hinaharap sa buhay, nawawalan
na tayo ng pakialam sa mga nangyayari sa labas ng ating mga tahanan. Gayunpaman,
wag nating kakalimutan na malapit na ang eleksyon. Malapit na tayong
magdesisyon kung kanino natin ipapataw ang mabigat na responsibilidad na
pagpapatakbo ng ating bansa. Hindi sana mawala sa ating isipan na malaki ang parteng
ating gagampanan sa magiging kinabukasan ng ating bansa sa susunod na anim na
taon. Kung hindi tayo makikialam at hindi natin pag-aaralan ang plataporma,
hangarin at plano ng ating mga presidentiables, para na rin nating sinabing
wala tayong pakialam sa ating bayan, na wala ang puso at isip natin sa
ikagaganda ng Pilipinas.
Ang mapiling pagboto ay isa sa mga mahahalagang paraan para
ating maipakita ang ating pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan. Ang paglalaan
ng panahon at mabusing pagpili ng iboboto sa nalalapit na halalan ay isang
malaking tulong na sa bayan. Wag tayong makisunod sa uso. Wag tayong maniwala
agad sa mga nakikita natin sa social media. Gamitin natin ang ating talino at
critical thinking skills para makagawa ng sariling desisyon.
Maniwala tayong mananaig ang pinili ng nakararami, at kapag
nangyari ito, gawin natin ang lahat upang maging mabubuting mamamayan. Kagaya nga
ng madalas na nasasabi na ang ilan, disiplina ang susi sa ikauunlad ng bayan. Magsimula
tayo sa mga maliliit na bagay, at sa ating mga sariling paraan ay patunayan
nating ang ating puso at isipan ay para sa ikabubuti ng ating bayan.
Saturday, April 16, 2016
Ano nga Ba ang Tsinelas Leadership?
Karaniwang makikita sa bawat tahanang Pilipino ang mga tsinelas, na tinatawag din ng iba na bakya, step-in, at iba pa. Ito ay iyong mga sapin sa paa na ginagamit upang maiwasan ang mga gasgas, sugat at paltos sa ating mga talampakan habang naglalakad.
Ngayong nalalapit na ang halalan, madalas nating naririnig sa balita o nababasa sa mga dyaryo ang katagang "tsinelas leadership". Ang tanong ng ilan, ano ba ang ibig sabihin at ipinaglalaban ng mga katagang ito?
"Tsinelas leadership ang tawag sa klase ng pamumuno ng yumaong dating DILG Secretary Jesse Robredo, na nais naman ngayong ipagpatuloy ng kanyang maybahay, ang ngayong tumatakbong bise-presidente sa ilalim ng Liberal Party na si Cong. Leni Robredo. Tsinelas leadership ang naging bansag sa pamumuno ng yumaong Robredo dahil ang tsinelas ang sumisimbolo sa kanyang pamamahala.
Noong libing ng dating DILG secretary, si Foreign Affairs Secretary Rene Almendras ang napiling magbigay ng eulogy. Bukod sa pagbibigay-pugay sa mabuting loob at magandang pakikitungo ni Robredo sa kanyang mga kaibigan at nasasakupan, ginawa niya rin itong oportunidad upang ipaliwanag ang tsinelas leadership.
Aniya, ito ay ang bukal sa loob o willingness na lumusob sa baha, ang kagustuhang pumunta sa mga malalayo at masusukal na lugar upang tulungan ang mga nangangailangan. Mas komportable nga namang gamitin ang tsinelas kung susuong ka sa bagyo at baha. Dahil isa si Robredo sa mga walang sawang pumupunta sa mga malalayong lugar upang tumulong, ito na rin ang simbolong dumikit sa kanyang pangalan.
Isa pang nirerepresenta ng tsinelas leadership ay ang pagpapakumbaba. Mas kilala ang tsinelas bilang ginagamit ng masa, hindi ng mga maykaya sa buhay. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng tsinelas ng mga public servant, kahit papano ay nawawala ang gap sa pamamagitan ng mga nasa tuktok at nasa ilalim ng social triangle. Mas nagiging komportable ang masa kapag nakikitang simple lamang at parang kapantay lamang nila ang kanilang kinikilalang leader.
Ang tsinelas leadership, ika nga ni Sec. Almendras, ay back-to-basics, base level transformation. Ito ay tungkol sa simpleng pag-iisip at paggawa ng solusyon sa bawat problema. Ito ay mas nagfo-focus sa nakararami ang mga mahihirap. Ito ay may layong magpatakbo ng isang gobyernong walang arte, walang komplikasyon, kundi pagbibigay ng simpleng tulong at solusyon. Ito ang nais ipagpatuloy ng kanyang asawang si Cong. Leni Robredo.
Si dating DILG Secretary Jesse Robredo ay isang mabuting public servant na maraming natulungan at tunay na may nasimulan. Ang mga nasimulan niyang ito ang dapat ipagpatuloy nationwide, at mangyayari lamang ito sa pamamagitan ni Cong. Leni Robredo bilang bise-presidente, ka-tandem si dating DILG Secretary Mar Roxas.
Monday, April 11, 2016
Bakit si Leni?
Kulang-kulang isang buwan pa bago ang eleksyon, mahaba pa
ang panahon para mag-isip kung kanino natin ipapataw ang napakabigat na
responsibilidad ng pagpapatakbo ng ating bansa. Marami pa tayong mga mababasang
pampabango ng pangalan o di kaya nama’y mga black propaganda laban sa ating mga
napupusuang kandidato, at marami pang maaaring maganap upang magbago ang ating desisyon
kung sino ang ating iboboto sa eleksyon sa Mayo 9.
Sa kabila nito, masasabi kong buo na ang aking desisyon.
Alam ko sa sarili ko kung sino ang aking pagkakatiwalaang maging pangalawang pinuno
ng ating bansa.
Para sa akin, siya ang tunay na nagrerepresenta ng mga
adhikaing nais ipagpatuloy ng “daang matuwid”. Nagsimula siya bilang isang
manananggol para sa mga mahihirap. Nakakabilib lamang na maaari naman niyang
gamitin ang kanyang galing at talino para sa mga malalaking kumpanya, mas
malaki ang kikitain niya roon, ngunit sa halip ay inilaan niya ang kanyang galing
at talino upang tulungan ang mga tunay na nangangailangan.
Naniniwala akong ang malawak na karanasan niya bilang isang
abugado ay isang malaking lamang sa kanyang mga kalaban. Isa pa, bilang siya’y
laking probinsya, sanay siya sa simpleng pamumuhay. Sanay siyang makihalubilo
sa mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan. Dahil sa kanyang libreng
pagtulong bilang tagapagtanggol ng mga mahihirap, alam na alam niya kung ano
ang pangangailangan at pinaglalaban ng mga ito; mayroon din siyang sapat na
kaalaman kung paano tutulungan at masosolusyunan ang mga hinaing ng ating mga
kababayang nasa malalayong probinsya.
Kung sabagay, ito rin naman ang kanyang layunin: ang gamitin
ang kanyang karanasan at kaalaman upang tulungan ang mga “underprivileged”.
Kung papalaring manalo, naiiba siya sa mga nakaraang nasa posisyon na galing sa
mga mayayamang angkan, o kaya nama’y parte ng mga political clans. Nagsimula
siya sa ibaba, kaya naman sisiguruhin niyang bibigyan niya ng boses at
importansya ang mga nasa ibaba ng social triangle.
Nagsimula naman siyang pumasok sa pulitika bilang
representante ng ikatlong distrito ng Camarines Sur noong 2013. Kanyang matagumpay
na naipasa ang National Food Security Bill of 2015, Anti-Discrimination Bill of
2013, People’s Participation in Budget Deliberation Bill, People Empowerment
Bill of 2014, Healthy Beverage Options Bill, Full Disclosure Bill at ang
Freedom of Information Bill. Oo, bago lamang siya, ngunit mapapansing tunay
niyang ginagawa ang kanyang trabaho at hindi niya ginagamit lamang ang posisyon
para sa mga maling gawain.
Hindi perpekto si Cong. Leni Robredo, ngunit kung
pagbabasehan ang kanyang karanasan at mga nagawa na, masasabi kong siya ang
pinakanararapat na iboto para sa pangalawang pinakabigat na posisyon sa ating
bansa. Ipagkatiwala natin ang pagpapatakbo ng Pilipinas sa mga taong may tunay
na malasakit at kagustuhang tumulong.
Subscribe to:
Posts (Atom)