Napakadali lamang magsalita, napakadaling mangako, ngunit ang mahirap gawin ay kung paano mapaninindigan ang bawat pangakong binibitawan. Mahirap ang umasa, masakit ang maniwala at ma-disappoint sa mga salita at pangakong binitawan ng taong iyong pinagkatiwalaaan tapos hindi naman pala matutupad.
Kaya siguro nabuo ang salitang "Actions speak louder than words". Madali lang kasi mangako, pero mahirap ang mag-deliver.
Ngayong nalalapit na ang halalan, kanya-kanya nang pasaring at bitaw ng salita at mga pangako ang mga kakandidato upang makapag-engganyo ng mga botante. Ngunit ating tatandaan na malamang, karamihan sa mga pangakong ito ay malilimutan na pagkatapos ng eleksyon, kaya kung tayo ay boboto, doon tayo sa may nagawa, may napatunayan at may paninindigan.
Hindi pa kasi naluluklok sa pwesto ay mayroon nang kandidato; hindi daw sya tatakbo, hindi raw sya magiging replacement candidate, ngunit nakikita naman natin kung ano na ang nangyayari ngayon. Mga simpleng bagay ito, oo, pero hindi dahil maliit na bagay ito at wala naman masyadong naaapektuhan eh dapat na itong isawalang-bahala. Ang nais kong tumbukin dito ay napakadali lamang magbago ng isip ang kahit sino, kaya naman hindi tayo nakakasiguro na hindi magbabago ang ihip ng hangin matapos nyang maluklok sa pwesto. Ayaw natin ng isang lider na di marunong tumupad sa usapan at ganun ganun na lamang manira ng pangako.
Naniniwala akong actions speak louder than words. Kailangan natin ngayon ay mga patunay sa nagawa ng kandidato. Kailangan natin ay mga litrato, mga datos, at hindi ang mga sabi-sabi dahil napakadali lamang mag-fabricate ng mga kwento. Pinag-aralan ko ang mga tatakbo pagkapangulo ngayong eleksyon dahil nais ko ang the best para sa ating bayan; and therefore, I conclude, na si Mar Roxas ang presidente ko.
Ang gusto ko kay Mar Roxas ay ang kanyang sipag at tiyaga sa gawa; hindi siya puro pangako lamang at salita. May mga kamag-anak akong nasalanta noon ng bagyong Ondoy sa Leyte, at sinabi nilang sila'y saksi sa pagtulong ni Mar sa kanila kahit noong rurok ng paghagupit ng bagyo. Syempre naman, mas naniniwala ako sa kanila dahil first-hand nilang karanasan ito, hindi kagaya ng mga walang sawang gumagawa ng mga memes at black propaganda sa social media kahit wala naman silang alam at wala naman sila sa "scene of the crime".
Sa ilalim naman ng kasalukuyang administrasyon, consistent na nasa top three in terms of GDP growth sa Asya ang Pilipinas. Sa mga hindi naman nakakaalam, si Mar Roxas naman ang main proponent ng pagpasok ng mga BPO companies sa bansa, at alam naman nating lahat na marami ang nabigyan nito ng marangal na trabaho, kahit na ang mga hindi pinalad na makatungtong o makapagtapos ng kolehiyo. Maraming nagawa si dating DILG secretary Mar Roxas na hindi gaanong nabibigyang-pansin dahil mas pinipili ng iba na mag-focus sa kanyang mga "kakulangan", ngunit marami tayong dapat ipagpasalamat sa kanya, kagaya ng Cheaper Medicine's Act, kung saan pinababa ang presyo ng mga gamot para ma-afford ng mga mahihirap nating mga kababayan. Ang oplan lambat-sibat, kung saan mahigit Php 2 bilyon na halaga ng droga ang nakulimbat ng DILG noong kanyang kapanahunan, at 716 sa 946 na most wanted criminals ang na-arrest ng may due process, at marami pang iba. Patunay lamang ito na hindi mo kailangang bumitaw ng mga hindi kapani-paniwalang mga pangako upang maging isang mabuti at epektibong public servant, at hindi kailangang gumamit ng dahas at pumatay na lang basta-basta upang mabawasan ang krimen ng bansa.
Para sa akin, mas mabuti nang ipagpatuloy natin ang isang matuwid na daan. Hindi mabilis ang pagbabago, hindi mabilis makamit ang lahat ng ating nais, ngunit papunta na tayo doon. Madami nang na-achieve ang tuwid na daan, at ipagkakatiwala ko kay Mar Roxas ang pagpapatuloy nito. Mas gugustuhin ko naman ang isang lider na marunong sa gawa at hindi lang salita, kaysa naman sa mga mabubulaklak ang mga pangako pero kung pag-iisipan eh hindi naman feasible ang kanilang mga plataporma. Iboto natin ang may napatunayan na, iboto natin yung matagal nang iniaalay ang kanyang oras, talino, at buhay para sa ikabubuti ng ating bayan.
No comments:
Post a Comment