Saturday, April 23, 2016

Eleksyon 2016: Handa Ka Na Ba?

Kaybilis nga naaman ng panahon, ano? Mahigit dalawang linggo na lang pala at mismong araw ng eleksyon na. Ang tanong, handa ka na ba para sa once in every three years na okasyong ito? Hayaan mong tulungan kitang maging ready para san nalalapit na halalan before, during and after.

Before:

1. Mag-research. Alamin at pag-aralan ang mga plataporma ng mga kandidato bilang pagkapangulo. Magsaliksik at magbasa ng mga articles galing sa mga credible news sources (kagaya ng GMA News, CNN Philippines, Manila Bulletin, atbp)at hindi sa mga Facebook pages lamang. Kung gusto mo namang makabuo agad ng desisyon, manood ka ng mga Presidential at Vice Presidential debates sa TV. Mayroon ding quiz na ginawa ang pahayagang Manila Bulletin, ang http://findyourcandidate2016.com/, na pwede mo ring subukan upang malaman kung kaninong plataporma talaga ang iyong napupusuan.

2. Huwag kalimutan na hindi ka lamang maghahalal ng pangulo at pangalawang pangulo ngayong May 2016 elections. Magluluklok ka rin ng mga senador, gobernador, mayor, vice mayor, congressmen, mga konsehal at mga barangay officials. Bigyang panahon ang pag-aaral tungkol sa kanilang mga plano para sa bansa.

3, Kapag nakapamili ka na ng napupusuang kandidato sa pamamagitan ng matalino at objective decision-making, ilista ang mga ito sa isang pirasong papel o kaya nama'y i-save sa notes ng iyong cellphone. Sa ganitong paraan, wala kang makakalimutang kandidato sa araw ng eleksyon, at hindi ka na rin magtatagal sa loob ng iyong voting precinct.

During:

1. Pumunta ng maaga. Kung mas maaga kang pupunta, mas maaga ka ring matatapos dahil mas kaunti pa ang mga tao. Kailangan mo rin kasi ng extra time para hanapin ang iyong voting precinct.

2. Wag kalimutan ang mga importanteng bagay kagaya ng iyong voter's ID at listahan ng mga iboboto. Mas mabuti na rin na magdala ng iyong sariling ballpen, at huwag kalimutan na kumain muna bago bumoto. Hindi natin alam kung gaano tayo katagal mananatili doon at kung gaano kahaba ang pila na ating maabutan pagdating.

3. Asahan ang maraming tao, ngunit ano lang ba ang ilang oras na pagtitiis kung para naman ito sa kinabukasan natin at ng ating pamilya, hindi ba? Ang advice ko lang: Keep calm and vote. :) Mag-ipon din ng pasensya.\

4. Huwag aalis ng presinto habang hindi pa nababasa ang iyong balotaq. Protektahan ang iyong boto at siguraduhing hindi ito maisasawalang-bahala.

After:

1. Let's hope for a peaceful and clean elections. #DasalLangTalaga. Makibahagi rin at mag-promote ng isang maayos at malinis na halalan/

2. Hikayatin ang mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, at mga followers sa Facebook at Twitter na maging parte ng matinong halalan. Ayain silang bumoto, dahil sabi nga, every vote counts.

3. Kung may nakita kang mga kahina-hinalang gawain, mga kandidatong lumalabag sa patakaran ng halalan, o kaya nama'y mga lantarang pagbibili ng boto, isumbong agad ito sa mga kinauukulan. Maaari mo ring kuhanan ito ng videos, at maging YouScooper o Bayan Patroller.

Sana'y nakatulong ako sa iyong paghahanda sa nalalapit na eleksyon, at sana din talaga ay hikayatin natin ang lahat na bumoto para sa ikabubuti ng ating bansa. Pag-aralan ang bawat kandidato, pag-isipang mabuti kung feasible ba ang kanilang mga pangako sa kanilang ibinigay na time frame, at wag maging isang hamak na bandwagoner lamang. Tandaan na hindi lahat ng nakikita natin sa Internet at naririnig na mga sabi-sabi ay may katotohanan. Higit sa lahat, itatak natin sa ating mga isipan na ang lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili, kaya naman ay subukan nating maging mga mabubuti at responsableng Pilipinong botante, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na rin sa susunod na henerasyon.

No comments:

Post a Comment